Menu
Map
Ang organisasyon ng Saksi ni Jehova ay nag-aangkin na sila lamang ang totoo na grupong Kristiano sa buong mundo. Sinasabi nito na ang ibang simbahan maging Katoliko o Protestante ay nagtuturo ng kamalian at bawat taong hindi Saksi ni Jehova ay pupuksain ng Diyos. Gayon man, ang katotohanan ay nagpapakita na ang grupong ito ay isang mapang-linlang na sekta. Narito ang apat na mga dahilan kung bakit sila dapat na iwasan.
1. Ang mga Saksi ni Jehova ay tumatanggi sa pinakasentrong katuruan ng Biblia.
ITINATANGGI NG ORGANISYON NG SAKSI NI JEHOVA NA SI JESUCRISTO AY DIYOS. Sa halip, itinuturo nila na si Jesucristo ay isang anghel na nilalang.
Subalit, malinaw na itinuturo ng Biblia na si Jesucristo, ang Anak, ay Diyos. Halimbawa, sinasabi sa Hebreo 1:8, “Ngunit patungkol sa Anak, sinabi niya: O Diyos, ang iyong trono ay magpakailanman …” Marami pang mga talata na ganito ang itinuturo : Juan 1:1,14; 20:26-28; Gawa 20:28; Roma 9:5; Hebreo 1:3,8-9; 2 Pedro 1:1.
ITINATANGGI NG MGA SAKSI NI JEHOVA NA SI JESUCRISTO AY MULING NABUHAY SA KATAWAN. Sa halip, itinuturo nila na ang katawan ni Jesus ay nalusaw na naging hangin. Si Charles Taze Russell, ang nagtatag ng organisasyon ay nagturo ng ganito: “Ang taong si Jesus ay patay, at nananatiling patay” (Studies in the Scriptures Vol. 5, 1899, p. 454).
Subalit, ang Biblia ay malinaw na nagtuturo na ang katawan ni Jesus ay nabuhay na magmuli. Halimbawa, Lucas 24:39 — “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ang mga ito ay nagpapatunay na ako ito. Hipuin ninyo ako at tingnan. Ang espiritu ay walang laman at buto na tulad ng nakikita ninyo sa akin.” Tingnan din — Juan 2:19-21; 20:26-28; I Corinto 15:6, 14.
ITINATANGGI NG MGA SAKSI NI JEHOVA NA ANG BANAL NA ESPIRITU AY DIYOS. Sa halip, itinuturo nila na ang Banal na Espiritu ay isang pangkaraniwang puwersa o lakas lamang, gaya ng elektrisidad.
Subalit, ang Biblia ay malinaw na nagtuturo na ang Banal na Espiritu ay Diyos: Gawa 5:3,4 — “Ngunit sinabi ni Pedro: Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Banal na Espiritu … Hindi ka nagsisinungaling sa mga tao kundi sa Diyos.” Tingnan din: Juan 14:16-17; 16:13-15; Roma 8:26-27; 2 Corinto 3:6, 17-18; Efeso 4:30.
ITINATANGGI NG MGA SAKSI NI JEHOVA NA ANG KALIGTASAN AY KALOOB NA WALANG BAYAD NG DIYOS NA HINDI NATIN PUWEDENG MATAMO SA PAMAMAGITAN NG MABUTING GAWA. Sa halip, itinuturo nila na para maligtas ang isang tao sa paghuhukom ay kailangan niyang sumapi at gumawa para sa organisasyon ng Saksi ni Jehova.
Subalit, ang Biblia ay malinaw na nagtuturo na ang kaligtasan ay hindi maaaring matamo sa pamamagitan ng mabubuting gawa. Ang kaligtasan ay dumating at ibinigay bilang kaloob na walang bayad ng Diyos: Efeso 2:8-9 — “Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang sinuman.” Tingnan din: Roma 4:1-4; Galacia 2:16; Tito 3:5.
ITINATANGGI NG MGA SAKSI NI JEHOVA ANG WALANG HANGGANG KAPARUSAHAN NG MASAMA. Sa halip, itinuturo nila na ang masasamang tao ay pupuksain at maglalaho na sa pag-iral.
Subalit, ang Biblia ay malinaw na nagtuturo na may kaparusahang walang hanggan ang masama: Mateo 25:41, 46 — “Sasabihin din niya roon sa mga nasa kaliwa: Lumayo kayo sa akin, mga isinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel …. Ang mga ito ay pupunta sa kaparusahang walang hanggan. Ngunit ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan.” Tingnan din: Mateo 18:8; 2 Tesalonica 1:8-9; Pahayag 14:10,11; 20:10,15.
ITINATANGGI NG MGA SAKSI NI JEHOVA NA ANG TAO AY MAY ESPIRITU NA UMIIRAL PAGKATAPOS MAMATAY. Sa halip, itinuturo nila, gaya ng hayop, ang buhay ng isang tao ay tumitigil o nawawala kapag namatay na.
Subalit, ang Biblia ay malinaw na nagtuturo na pagkatapos na mamatay ang isang tao, ang kanyang espiritu ay patuloy na iiral na may kamalayan: 2 Corinto 5:8 — “Nakakatiyak tayo at higit na nanaising mawala sa katawan at manahang kasama ng Panginoon.” Tingnan din: Lucas 16:19-31; Filipos 1:23-24; Pahayag 6:9-11.
ITINUTURO NG MGA SAKSI NI JEHOVA NA ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN SA HARAPAN NG DIYOS AY PARA LAMANG SA IILANG PINILI. Kanilang inaangkin na isang tanging grupo lamang ng 144,000 na mga saksi ni Jehova ang ipanganganak na muli at mabubuhay na walang hanggan na kasama ng Diyos sa langit; ang iba pang mga saksi ni Jehova ay mananatili dito sa mundo.
Subalit, ang Biblia ay malinaw na nagtuturo na lahat ng naglagak ng kanilang pananampalataya kay Jesucristo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan sa harapan ng Diyos. Binabanggit ng Biblia ang grupong ito na isang di-mabilang na karamihan: Pahayag 7:9,15 — “Pagkata-pos kong makita ang mga bagay na ito, narito, ang napakaming taong naroroon na walang sinumang makakabilang sa kanila. Sila ay mula sa bawat bansa, bawat lipi at bawat wika. Naka-tayo sila sa harap ng trono at sa harap ng Kordero … Sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos. Pinaglilingkuran nila siya araw at gabi sa kaniyang banal na dako …” Tingnan din: Juan 3:15; 5:24; 12:26; Efeso 2:19; Filipos 3:20; Colosas 3:1; Hebreo 3:1; 12:22; 2 Pedro 1:10, 11.
ITINATANGGI NG MGA SAKSI NI JEHOVA ANG TATLONG PERSONA NG DIYOS (TRINIDAD) AT ITINUTURO NA SI SATANAS ANG UMIMBENTO SA DOKTRINANG ITO. Tinatanggihan nila ang lahat ng mga Kasulatan na nagpapatunay kay Jesucristo bilang Diyos at sa Banal na Espiritu bilang Diyos.
Subalit, ang Biblia ay malinaw na nagtuturo na ang Anak at ang Banal na Espiritu at gayon din ang Ama ay Diyos. Ito, kasama ng mga kasulatan na nagtuturo na mayroon lamang iisang Diyos (Isaias 43:10; 44:6,8) gayon din ang Mateo 28:19 na kung saan si Jesus ay nagsalita sa Pangalan (isahan) ng Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay nagpapakita na ang Diyos ay isang Trinidad Ñ isang Diyos na umiiral sa tatlong persona.
Hindi ba mapanganib na sumunod sa isang organisasyon na tumatanggi sa pinakasentrong katuruan ng Biblia?
2. Pinalitan ng mga Saksi ni Jehova ang salin ng Biblia.
Ang organisasyon ng Saksi ni Jehova ay gumawa ng sariling huwad na salin ng Biblia. Ang saling ito ay tinawag na New World Translation. Ito ay naglalaman ng maraming talata sa Kasulatan na sadyang pinalitan. Ang mga pagbabagong ito ay kanilang pagsisikap na itago ang katotohanan. Ito ang katunayan na ang katuruan ng Saksi ni Jehova ay mali at hindi ayon sa Biblia.
Paghahambing ng Biblia at ng madayang New World Translation |
|
ANG BANAL NA KASULATAN |
ANG MADAYANG NWT |
Juan 1:1 — "Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita. Ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos." Ito ay malinaw na pahayag na si Jesus (ang Salita) ay Diyos. |
Juan 1:1 — "Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos, at ang Salita ay isang Diyos." Ang pagbabagong ito ay ginawa para suportahan ang pagtanggi ng Saksi ni Jehova na si Jesus ay Diyos. |
Colosas 1:16 — "... sapagkat sa pamamagitan niya (Jesus) nilalang ang lahat ng mga bagay ... Ang lahat ng bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at para sa kaniya." Ito ay nagtuturo na si Jesus ang Manglilikha ng lahat, at hindi siya isang nilalang. |
Colosas 1:16 — "Sapagkat sa pamamagitan niya ang lahat ng [iba pang] mga bagay ay nilalang ... Lahat ng [iba pang] mga bagay ay nilalang at para sa kaniya." Ang mga salitang "iba pang" ay idinagdag upang suportahan ang maling katuruan ng Saksi ni Jehova na mismong si Jesus ay isang nilalang na anghel. |
Hebreo 1:8 — "Ngunit patungkol sa Anak, sinabi niya: O Diyos, ang iyong trono ay magpakailanman ..." Pansinin natin dito na tinawag ng Diyos Ama ang kaniyang Anak na si Jesus na "Diyos." |
Hebreo 1:8 — "Ngunit patungkol sa Anak: Ang Diyos ang iyong trono magpakailanman..." Ang pagkakasunod ng salita ay madayang binago ng organisasyon ng Saksi ni Jehova upang itago ang katotohanan na si Jesus, (ang Anak) ay tinawag na Diyos. |
Hindi ba mapanganib na sumunod sa isang organisasyon na madayang binabago ang Banal na Kasulatan?
3. Ang mga Saksi ni Jehova ay mayroong kasaysayan na ang kanilang panghuhula ay hindi natutupad.
Inaangkin ng mga tagapagturo ng mga Saksi ni Jehova na sila ay nakapanghuhula na may kapangyarihan para sa Diyos na Jehova. Subalit marami silang panghuhula na hindi natupad. Halimbawa, hinulaan nila na ang Armageddon at katapusan ng mundo ay magaganap sa taong 1975. Para mapagtakpan ang kanilang kabiguang ito, pinasinungalingan ng mga Saksi ni Jehovan na hinulaan nila ito kahit na napakadaling patunayan mula sa kanilang sariling babasahing inilathala.1
Hinulaan din ng organisasyong Saksi ni Jehova na ang katapusan ng mundo ay magaganap sa taong 1914, 1915, 1918, 1925 at 1942. Hinulaan nila na si Abraham, Isaac at Jacob ay muling mabubuhay at babalik sa mundo sa taong 1925. Lagi silang mali sa bawat hula na kanilang ginawa.2 Inihahayag ng Biblia na ang isang tanda ng bawat bulaang propeta ay ang panghuhulang hindi nagaganap. (Deuteronomio 18:21-22).
Hindi ba mapanganib na sumunod sa isang organisasyon na may kasaysayan ng panghuhula na hindi nangyayari?
4. Ang organisasyon ng Saksi ni Jehova ay umaabuso sa paggamit ng kanilang kapamahalaan.
Sa kabila ng mga mali nitong panghuhula, ang organisasyon ng Saksi ni Jehova ay nagtuturo na ito lamang ang tamang relihiyon, at ang mga kaanib lamang nito ang tunay na mga Kristiano. Inaangkin nito na kung hiwalay sa kanila, walang taong matututo tungkol sa katotohanang espituwal. Itinuturo rin nito na mayroon kaligtasan sa pagsapi lamang sa kanilang organisasyon, at ang bawat isa, maliban sa mga Saksi ni Jehova, ay lilipulin sa Armageddon.
Mahigpit nilang hinihingi na ang mga kaanib ay sumunod at tanggapin, nang walang pagtatanong, ang bawat utos at paliwanag sa Biblia na ibinigay ng organisasyon.
Halimbawa, ipinagbabawal ng Saksi ni Jehova ang pagsasalin ng dugo sa katawan ng tao. Ang isang Saksi ni Jehova ay inaasahang mamatay o babayaan nang mamatay ang kanilang anak kaysa labagin ang utos na ito, kahit na walang itinuturo sa Biblia na ang pagsasalin ng dugo ay mali. Sinoman sa Saksi ni Jehova ang lumabag sa palatuntunang ito ay sasabihang siya'y pupuksain sa pagdating ng Armageddon — ang panahon ng huling paghuhukom.
Sa ganitong paraan, ang mga tagapanguna ay nananakot upang mapanatiling matapat ang mga kaanib sa organisasyon. Ginagamit din nila ang kanilang panghuhula sa katapusan ng mundo upang takutin ang kanilang mga tagasunod.
Hindi ba mapanganib na sumunod sa isang organisasyon na umaabuso sa kanilang kapamahalaan?
Ang apat (4) na puntos na ito ay naglalarawan sa espirituwal na panganib na kaugnay sa organisasyon ng mga Saksi ni Jehova. Marahil ay magtataka ka, "Ano ang Mabuting Balita ng Biblia?" Ang sumusunod na apat (4) na puntos ay naghahayag ng tunay na Ebanghelyo ni Jesucristo na makikita sa Biblia.
PAANO MASUSUMPUNGAN ANG KAPAYAPAAN SA DIOS
Ang kabuuan ng mensahe ng Biblia ay makikita natin sa apat na simpleng paraan:
1. Tayo ay hiwalay mula sa tunay at buhay na Diyos dahil sa ating mga kasalanan.
"Ito ay sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos." Roma 3:23
"Ito ay sapagkat ang kabayaran nga ng kasalanan ay kamatayan ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon." Roma 6:23
2. Hindi natin kayang iligtas ang ating sarili.
"Kaya nga, sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan walang taong mapapaging-matuwid sa harapan niya sapagkat ang lubos na pagkaalam sa kasalanan ay sa pamamagitan ng kautusan." Roma 3:20
"Iniligtas niya tayo, hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng katuwiran na ating ginawa, kundi ayon sa kaniyang kahabagan." Tito 3:5
3. Si Jesucristo ang tanging lunas ng Diyos para sa ating kasalanan.
"Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Juan 3:16
"Dahil si Cristo man ay minsang nagdusa dahil sa kasalanan. Ang matuwid para sa mga hindi matuwid upang madala niya tayo sa Diyos..." 1 Pedro 3:18a
4. Dapat nating personal na tanggapin si Jescristo sa pamamagitan ng pananampalataya upang magkaroon ng kapatawaran at buhay na walang hanggan.
"Datapuwat ang lahat ng tumanggap sa kaniya ay binigyan niya ng kapamahalaang maging mga anak ng Diyos. Sila ay ang mga sumampalataya sa kaniyang pangalan." Juan 1:12
"Ipahayag mong si Jesus ay Panginoon at sampalatayanan mo sa iyong puso na binuhay siyang mag-uli ng Diyos. Kapag ginawa mo ito, ikaw ay maliligtas." Roma 10:9
Kung ang Diyos ay nangusap sa iyong puso sa pamamagitan ng mga katotohanang ito mula sa kanyang Salita, maaari kang tumugon ngayon din sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan. Bibigyan ka Niya ng bagong buhay kay Cristo. Ang panalangin na ito ay gabay mo sa paghahayag ng iyong pananampalataya kay Jesucristo upang maligtas ka.
PANALANGIN
"Makapangyarihan sa lahat at mahabaging Diyos,
Kinikilala ko po na ako'y nagkasala laban sa inyo, sa gawa, salita at pag-iisip. Hindi po ako nakaabot sa inyong katuwiran, at hindi ko kayang iligtas ang aking sarili. Salamat po na inyong isinugo ang inyong Anak na si Jesucristo, upang itigis ang kanyang dugo para sa akin. Patawarin ninyo ako sa lahat kong kasalanan. At inilalagak ko po ang aking pagtitiwala kay Jesucristo, na namatay para sa akin at muling nabuhay mula sa mga patay. Amen."
Endnotes
1. Ang Bantayan, Agosto 15, 1968, pahina 499; Ministerio ng Kaharian, Mayo 1974, pahina 3.
2. Malapit na Ang Panahon, 1906 edisyon, pp. 99, 101; Malapit na Ang Panahon, 1915 edisyon, pp. 99, 101; Mga Sermon ni Pastor Russell, 1917 edisyon, p. 676; Ang Natapos na Misteryo, 1918, pp. 404, 485; Ang Bantayan, Septiyembre 1, 1922, pahina 262; Ang Bantayan, Septiyembre 15, 1941 p. 288; Milyon-Milyon na Nabubuhay Ngayon ay Hindi Kailanman Mamamatay, 1920, pp. 88-90.